Friday, April 5, 2013

Pinoy Street Food (A Critical Analysis of a Cultural Product)

Source: http://24.media.tumblr.com/tumblr_m541w2DgeS1rqw2p5o1_500.jpg

Hindi ka Pilipino kung kahit isang beses sa buhay mo ay 'di ka pa nakakain o nakatikim ng kahit anong streetfood. Kahit saan meron nito - sa bangketa, labas ng simbahan, labas ng eskwelahan, terminal ng mga jeep at kung saan-saan pa. Kaya naman patok na patok ang mga ito sa nakararami. Estudyante ka man o empleyado, kung ikaw ay gutom, tiyak na heto ang kababagsakan mo. Mura, masarap, at mabilis kainin. Napaka-convenient nga naman.

Source: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgGJsCj2RfTpplpf_yAxhSHw0whwsyDdHW9fuDgZ4GO5wsUQEDJ4JqAiVOTx276KrNGTaASFhcJI12Q63OWKdoMDBhBUac_dlgbfOlXG5c2GgaxXi1CtITOwutredSKiMV6Pe9N4F7gPlA/s1600/1.jpg

Makikita ang ating pagiging mapamaraan sa mga street food. Kahit mga laman-loob ng mga hayop ay hindi natin pinalampas dahil alam nating posible pa silang magamit. Ayaw nating may masayang at kung meron pa namang pakinabang ay hindi natin tinatapon hanggang sa maaari.

Source: http://my_sarisari_store.typepad.com/photos/uncategorized/2007/03/26/epv0207ccc.jpg

Makikita rin ang ating pagiging mahilig sa anumang instant. Tayo ay mainiping mga tao. Gusto natin makuha ang mga bagay-bagay agad-agad; mas mabilis, mas mainam. Mababaw rin ang ating kaligayahan at mabilis tayong matuwa sa mga simpleng bagay; hindi na kinakailangan pang pagpaguran ang presentasyon o itsura ng mga bagay-bagay. At siyempre, na-i-adapt natin ang lahat ng ito sa ating mga pagkain, partikular na ang mga street food.

Source: http://www.expatch.org/wp-content/uploads/2012/05/P9050052-1024x768-300x225.jpg

Ngunit sino nga ba ang mga klase ng taong kumakain nito? Mapapansing ang street food ay para talaga sa masa. Napakamura ibinebenta ng mga ito upang mapagsilbihan ang mga taong gustong mapawi ang gutom. Dagdag pa rito, maliit lamang din ang puhunan sa pagtitinda nito dahil kadalasan naman talaga ay masa din ang mga nagbebenta nito. Dahil sa mga paliwanag na ito kaya't bibihira nating makikitang kumakain ng mga street food ang mga taong nakatataas ang estado sa buhay. Bakit sila kakain ng mga ito kung kaya naman nilang bumili ng mas masasarap na pagkain? Bakit sila magtitiyagang kainin ang mga ito kung kaya naman nilang bumili ng mas malilinis na pagkain?

Nakalulungkot isiping kahit sa pagkain ay litaw na litaw ang class conflict sa atin. Ngunit naniniwala akong dito sa mga maliliit na bagay na gaya nito tayo pwedeng magsimula upang magbuklud-buklod. Ang mga maliliit na bagay na gaya nitong paborito nating gawin (kumain) ang pwedeng pagsimulan ng ating pagiging malapit sa isa't isa. At naniniwala akong sa pamamagitan ng mga ito, kahit papano ay unti-unting liliit ang puwang na nagpaparte sa mga klase dito sa ating bansa.

No comments:

Post a Comment