Thursday, April 4, 2013

Hassle ng Buhay (First Critical Commentary - Critical Western)

Source: http://bradleymatters.webs.com/537048-wheel_large.jpg

Sabi nila, ang buhay daw ay parang gulong - minsan ikaw ay nasa taas at minsan naman ay ikaw ang nasa baba. Ganyan na yan; ganyan talaga ang buhay. Wala na tayong magagawa dahil kahit ano pa ang gawin natin, hindi na natin maiiwasan ito dahil kalakip na ito ng hassle ng buhay.

Hassle ang buhay dahil may naaapi at nang-aapi.

Hassle ang buhay dahil may nakalalamang at nanlalamang.

Hassle ang buhay dahil may umiintindi at ayaw umintindi.

Hassle ang buhay dahil may pumapayag at hindi pumapayag.

Hassle ang buhay dahil may sumasang-ayon at sumasalungat.

Source: http://internationalist-perspective.org/images/Mahalla-2.jpg

Pero, bakit nga ba hassle ang buhay? Dahil pinababayaan lang nating matalo tayo. Dahil pinahihintulutan lang nating maapi tayo. Dahil ayaw nating magtulungan. Dahil ayaw natin magpakatotoong walang ibang makakatulong sa'tin kundi ang ating mga sarili lamang.

At, tama ba ang makuntento na lamang sa mga paliwanag na 'to? Alam nating hindi dapat tayo makuntento pero wala tayong ginagawa para maibsan ito. Bakit tayo tatahimik hanggang sa dumami pa ang buhay na masisira kung pwede naman nating gamitin ang mga pagkakaibang ito upang magbuklod at maging isa? Bakit tayo patuloy na magbabangayan kung pwede namang intindihin at respetuhin ang pananaw ng bawat isa at gamitin ang mga pananaw na ito upang sama-samang ayusin ang sistema ng buhay? Bakit tayo makukuntento sa mga problemang araw-araw binabato sa'tin kung pwede namang gawing hamon ang mga ito at magsilbing pagganyak sa pagtahak natin sa gulong ng buhay?

No comments:

Post a Comment