Friday, April 5, 2013

Pinoy Street Food (A Critical Analysis of a Cultural Product)

Source: http://24.media.tumblr.com/tumblr_m541w2DgeS1rqw2p5o1_500.jpg

Hindi ka Pilipino kung kahit isang beses sa buhay mo ay 'di ka pa nakakain o nakatikim ng kahit anong streetfood. Kahit saan meron nito - sa bangketa, labas ng simbahan, labas ng eskwelahan, terminal ng mga jeep at kung saan-saan pa. Kaya naman patok na patok ang mga ito sa nakararami. Estudyante ka man o empleyado, kung ikaw ay gutom, tiyak na heto ang kababagsakan mo. Mura, masarap, at mabilis kainin. Napaka-convenient nga naman.

Source: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgGJsCj2RfTpplpf_yAxhSHw0whwsyDdHW9fuDgZ4GO5wsUQEDJ4JqAiVOTx276KrNGTaASFhcJI12Q63OWKdoMDBhBUac_dlgbfOlXG5c2GgaxXi1CtITOwutredSKiMV6Pe9N4F7gPlA/s1600/1.jpg

Makikita ang ating pagiging mapamaraan sa mga street food. Kahit mga laman-loob ng mga hayop ay hindi natin pinalampas dahil alam nating posible pa silang magamit. Ayaw nating may masayang at kung meron pa namang pakinabang ay hindi natin tinatapon hanggang sa maaari.

Source: http://my_sarisari_store.typepad.com/photos/uncategorized/2007/03/26/epv0207ccc.jpg

Makikita rin ang ating pagiging mahilig sa anumang instant. Tayo ay mainiping mga tao. Gusto natin makuha ang mga bagay-bagay agad-agad; mas mabilis, mas mainam. Mababaw rin ang ating kaligayahan at mabilis tayong matuwa sa mga simpleng bagay; hindi na kinakailangan pang pagpaguran ang presentasyon o itsura ng mga bagay-bagay. At siyempre, na-i-adapt natin ang lahat ng ito sa ating mga pagkain, partikular na ang mga street food.

Source: http://www.expatch.org/wp-content/uploads/2012/05/P9050052-1024x768-300x225.jpg

Ngunit sino nga ba ang mga klase ng taong kumakain nito? Mapapansing ang street food ay para talaga sa masa. Napakamura ibinebenta ng mga ito upang mapagsilbihan ang mga taong gustong mapawi ang gutom. Dagdag pa rito, maliit lamang din ang puhunan sa pagtitinda nito dahil kadalasan naman talaga ay masa din ang mga nagbebenta nito. Dahil sa mga paliwanag na ito kaya't bibihira nating makikitang kumakain ng mga street food ang mga taong nakatataas ang estado sa buhay. Bakit sila kakain ng mga ito kung kaya naman nilang bumili ng mas masasarap na pagkain? Bakit sila magtitiyagang kainin ang mga ito kung kaya naman nilang bumili ng mas malilinis na pagkain?

Nakalulungkot isiping kahit sa pagkain ay litaw na litaw ang class conflict sa atin. Ngunit naniniwala akong dito sa mga maliliit na bagay na gaya nito tayo pwedeng magsimula upang magbuklud-buklod. Ang mga maliliit na bagay na gaya nitong paborito nating gawin (kumain) ang pwedeng pagsimulan ng ating pagiging malapit sa isa't isa. At naniniwala akong sa pamamagitan ng mga ito, kahit papano ay unti-unting liliit ang puwang na nagpaparte sa mga klase dito sa ating bansa.

Mamaya Na (Third Critical Commentary - Indigenous Filipino)

Source: http://moblog.net/media/n/i/g/nige/lazy-hazy-friday-afternoon-at-work-1.jpg

Dalawang salita lamang ngunit napakabisa. Dalawang salita lamang ngunit napakalakas. Dalawang salita lamang ngunit marami nang naapektuhan.

Mamaya na.

Ilang oras na nga ba ang nasayang dahil dito? Ilang oportunidad na ang napalampas ng mga salitang ito? At ilang buhay na nga ba ang nasira dahil lang sa pagbigkas ng dadalawang salitang ito?

Kahit ako, hindi ako ligtas dito. Ilang "mamaya na" ang akin nang nabigkas magmula pa noon. Heto nga't naghahabol nanaman ako ng oras ngayon sa pagsulat ng blog na ito dahil naabutan na naman ako ng deadline sa aking kaka-"mamaya na." Iba't iba rin ang kadugtong nitong mga salitang ito. Minsan, maririnig natin ang "Mamaya na, tinatamad pa ako." O 'di naman kaya ay "Mamaya na, magpapahinga muna ako." Pwede rin ang "Mamaya na, madami pang oras."

Sabi nila ay isa lang daw ito sa mga maitutuing na hindi masyadong kaaya-ayang kaugalian nating mga Pilipino, kasama na rin ang "Bahala Na", Ningas Kogon, at ang konsepto ng Filipino time. Ngunit ano't ano pa man ang mangyari, hindi naman nating pwedeng ipagkailang ilan ang mga ito sa mga rason kung bakit isa tayong kakaibang lahi. Kung bakit tayo Pilipino.

Hindi na natin maiaalis sa ating katauhan bilang isang nasyon ang mga kaugaliang ito. Tulad ng hindi na rin natin maiaalis sa ating katauhan ang mga katangiang pandayuhang naka-embed na sa ating pagkakakilanlan. Gayunpaman, naniniwala pa rin akong hindi natin lagi dapat gamiting dahilan o paliwanag ang mga ugaling ito para pagtakpan ang ating mga ginagawa. Bagkus, dapat nating gamitin ang mga itong motibasyon o inspirasyon upang umunlad.

Dapat din nating i-tatak sa ating mga isipang hindi natin kailangang talikuran ang lahat ng ating mga nakaugalian at nakagawian. May pagbabago sa pagkilala natin kung sino talaga tayo. May pagbabago sa pagtuklas natin ng tunay nating identitad. May pagbabago, kung mamarapatin lamang natin ito, hindi mamaya o bukas, kundi ngayon.

Sosyal Kapag English (Second Critical Commentary - Post-Colonial)

Source: http://www.globalbydesign.com/wp-content/uploads/2012/07/english-only-zone.png

Sa tinagal-tagal ng pagkakasakop sa atin ng iba't ibang bansa, 'di maipagkakailang laganap ang kanilang mga impluwensiya sa ating mga puso't isipan. Hindi man natin aminin, tunay na ngang apektado ang ating mga pamumuhay ng mga kagawiang pandayuhan.

Sa panahon ngayon, sadyang umaapela sa ating panlasa ang anumang gawa ng mga dayuhan. Mapa-damit man yan o pagkain, kitang-kitang ang mga gawa nila ang ating mas tinatangkilik. Kahit papano, katanggap-tanggap ito para sa akin dahil hindi naman ito maiiwasan, e. Minsan din kasi ay mas dekalidad ang mga ito kaysa sa mga sarili nating produkto. Hindi rin masisisi ang mga mamimili dahil, siyempre, dun na sila kung saan alam nilang 'di masasayang ang kanilang pera.

Ngunit, ibang usapan na yata pagdating sa wika.

Ang mga signboard sa kalye ay nakasalin sa wikang Ingles.

Ang mga subject sa eskwelahan ay nakasalin sa wikang Ingles.

Ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ay nakasalin sa wikang Ingles.

Bakit nga ba naging ganito?

Mahirap na bansa ang Pilipinas kaya't tila naging natural na sa atin ang maging ambisyoso at mangarap nang mataas. Sa patuloy na pag-ungos sa atin ng iba't ibang bansa, nabuo ang ating mithiing umunlad at maging katulad nila balang araw. Kaya nga, hayun, ganun na lamang kataas ang tingin natin sa kahit ano o kahit sinong banyaga. Sa sandaling tangkilikin natin ang anumang may kinalaman sa kanila, kahit papano ay nararamdaman nating patas lang ang ating katayuan sa buhay. Nililikha rin kasi nito sa ating mga isipan ang munting kaisipang baka sa pamamagitan nito tayo ay umunlad, yumaman, at ika nga ng masa, maging sosyal.

Hindi naman masamang tangkilikin natin ang mga gawa nila. Ngunit imbis na pangarapin nating maging eksaktong katulad nila, sana ay gawin na lamang natin silang inspirasyon upang mabuo o makilala natin ang nasyong gusto talaga nating maging. Isang nasyong may sariling pagkakakilanlan. Isang nasyong may paninindigan. Isang nasyong walang iba kundi tayo lamang ang pwedeng makalikha.

Thursday, April 4, 2013

Hassle ng Buhay (First Critical Commentary - Critical Western)

Source: http://bradleymatters.webs.com/537048-wheel_large.jpg

Sabi nila, ang buhay daw ay parang gulong - minsan ikaw ay nasa taas at minsan naman ay ikaw ang nasa baba. Ganyan na yan; ganyan talaga ang buhay. Wala na tayong magagawa dahil kahit ano pa ang gawin natin, hindi na natin maiiwasan ito dahil kalakip na ito ng hassle ng buhay.

Hassle ang buhay dahil may naaapi at nang-aapi.

Hassle ang buhay dahil may nakalalamang at nanlalamang.

Hassle ang buhay dahil may umiintindi at ayaw umintindi.

Hassle ang buhay dahil may pumapayag at hindi pumapayag.

Hassle ang buhay dahil may sumasang-ayon at sumasalungat.

Source: http://internationalist-perspective.org/images/Mahalla-2.jpg

Pero, bakit nga ba hassle ang buhay? Dahil pinababayaan lang nating matalo tayo. Dahil pinahihintulutan lang nating maapi tayo. Dahil ayaw nating magtulungan. Dahil ayaw natin magpakatotoong walang ibang makakatulong sa'tin kundi ang ating mga sarili lamang.

At, tama ba ang makuntento na lamang sa mga paliwanag na 'to? Alam nating hindi dapat tayo makuntento pero wala tayong ginagawa para maibsan ito. Bakit tayo tatahimik hanggang sa dumami pa ang buhay na masisira kung pwede naman nating gamitin ang mga pagkakaibang ito upang magbuklod at maging isa? Bakit tayo patuloy na magbabangayan kung pwede namang intindihin at respetuhin ang pananaw ng bawat isa at gamitin ang mga pananaw na ito upang sama-samang ayusin ang sistema ng buhay? Bakit tayo makukuntento sa mga problemang araw-araw binabato sa'tin kung pwede namang gawing hamon ang mga ito at magsilbing pagganyak sa pagtahak natin sa gulong ng buhay?

Pulitika Kahit Kailan, Kahit Saan (Activity/Journal #5: Space)

Tapos na ang mga araw kung kailan ang pulitika ay tungkol lamang sa gobyerno, sa mga pulitiko, at sa mga istruktura ng mga nakatataas sa atin. Sa panahon ngayon, maaari nang maituring na pulitikal ang halos lahat ng bagay sa ating paligid. Maituturing na ngayong pulitikal ang mga bagay na personal sa atin kasama na ang mga bagay na ginagawa natin araw-araw at mga ordinaryong bagay na pumapaloob dito.

Noong nakaraang ika-1-3 ng Marso, nagkaroon kami ng fieldtrip sa iba't ibang lugar sa bayan ng Laguna para sa aming klaseng Culture and Politics. Nilalayon nitong ma-obserbahan namin ang iba't ibang kulturang naroroon ngayon, kasama na ang mga klase ng taong pumupunta rito,  mga bagay na pwedeng gawin, at pati na rin ang mga uri ng libangan na naroroon.

Source: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhCeVB8UfiA9VVGfRazZe9AFsBarZnlqouJRl2BqnhNZtFJO6cRTEHlzyoQsg2iPEYT9Wbzdk-Lia_EmGN1GCXF3DM2Q-eQGhondK9d1JARr0l1ApbIlhE-2dwnhnfIDLKeHCF9qWIpD0v6/s1600/23.jpg

Hindi ito ang unang beses na ako ay nakapunta sa Paseo de Sta. Rosa. Sa katunayan, hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong nakapunta rito dahil sa dalas nang pagpunta namin dito nung kami ay taga-Cavite pa. Ilang ulit man akong pumunta rito, iisa pa rin ang aking paningin sa lugar na ito: ang pangingibabaw ng partisyon ng klase. Marahil naman talaga ay malinis ang intensyon ng kanilang pamunuan: na tanggapin ang lahat ng klase ng tao at iparamdam sa kanilang mayroon silang lugar para sa lahat. Dahil na rin sa paghiwa-hiwalay ng mga stalls dito ayon sa klase, kahit wala namang malinaw na harang na nagpaparte sa mga pasyalan dito, naipararamdam pa rin nila sa taong hindi sila maaaring pumunta sa lugar na hindi nakatalaga para sa kanilang klase. Dahil dito, masasabi kong hindi nila nagawang magtagumpay sa pagpapakita ng kanilang hangaring maging one-stop shop para sa lahat.

Source: http://www.smprime.com/smprime/uploads/image/mallList/SM%20Calamba.jpg

'Di tulad ng Paseo na ilang beses ko nang napuntahan, iyon naman ang aking naging unang pagpunta sa SM City Calamba. Tulad ng ibang SM na aking napuntahan, mabibili ang halos lahat ng iyong kailangan dito - pagkain, damit, atbp., at makakahalubilo mo rin ang iba't ibang klase ng tao rito - mayaman, mahirap, may kaya, atbp. Masasabi kong isa ito sa mga lugar kung saan nawawala ang partisyon ng mga klase. Kung ikaw ay nakaaangat sa buhay, siyempre, doon ka pupunta kung saan sa iyong palagay ay nararpat lamang sa iyo; ngunit hindi ibig sabihin nitong hindi ka na makakapunta sa mga lugar dito na mas ineengganyo ang masa. 

Isa pang naging obserbasyon ko rito ay ang pagkakaroon nito ng lahat ng bagay na pwedeng ibenta. Lahat na marahil ng iyong maiisip na pwedeng maibenta ay matatagpuan mo rito. Sa unang tingin, magandang bagay ito dahil ginagawa nitong convenient ang ating buhay. Ngunit kung ating susuriin, tila nga ba tayo ay napagsasamantalahan na. Gagawa at gagawa sila ng paraan upang maibigay nila sa atin ang ating mga kailangan para rin sa kanilang kapakanan: upang kumita nang mas malaking pera.

Napansin ko ring di matawaran ang dami ng tao dito sa mall na ito. Mapa-estudyante, empleyado, pamilya, lahat sila ay naririto. Mapapansin ding madaming lugar dito kung saan pwedeng umupo lamang at magpahinga ang mga tao. Sa aking palagay, ito ay dala na rin ng pagiging mailap ng mga pook-libangan sa mga probinsya kaya't minamarapat na lamang ng mga tao roong magliwaliw at magpalamig sa lugar na ito.

Source: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh6aa9Dg69bQKwj_EZQDr6gmyWX98NoE0lyP229_vlOmzrZu0-YyguTmqL5-P8VA2BYs_NDQCHAY2GrHUrgLz7h6KGgwS7RSsX9GGfpiy89dztjCh-KyDLg-vibQvwt7jLsIN6-tpuFsUZk/s1600/liliw+collage.jpg

Source: Facebook

Sa aking unang pagbisita sa bayan ng Liliw, bumungad agad sa amin ang napakaraming mga sapatos. Nagulat ako noon at totoo ngang pra na rin pala itong Marikina. Tila nakikisabay sa pag-usad ng panahon ang bayan ito. Mapapansin ito sa kanilang mga produktong moderno na ang mga istilo at disenyo. Makakakita rin dito ng mga pagkaing kanilang itinataguyod para magsilbing pasalubong ng mga dumadayo rito. Subalit mapapansin namang kanila lamang inangkat ito mula sa mga karatig-bayan nito. Samakatuwid, ang Liliw ay isang bayang masasabing nasa proseso ng kalituhan kung kanila bang paninindigan ang kanilang orihinal na kulturao hahayaan na lamang na magbago ito kasabay ng panahon upang makaraos at umunlad?

Source: Facebook

Hindi naman kami binigo ng aming huling destinasyon sa University of the Philippines - Los BaƱos nang aming obserbahan ang kanilang nightlife dito. Kami ay nasorpresa sa dami ng mga bar dito. Maaga kaming nagawi sa mga bar kaya't kakaunti pa lamang ang mga tao noon. Akala namin ay ganun na lamang ang dami ng taong pumupunta rito ngunit kami ay nagkamali. Sa pagkipas ng oras, mabilis ding nadagdagan nang nadagdagan ang mga taong gustong maglibang. Iba-iba rin ang mga taong tumatangkilik dito - merong mga dayuhan, estudyante, empleyado, atbp. Ngunit sa lahat ng ito, napansin kong pinakamarami talaga sa mga tumatangkilik dito ang mga estudyante. Ito marahil ay dahil sa kanilang kagustuhan na ring maglibang kahit papano at mapawi ang stress na naidudulot sa kanila ng kolehiyo. Gayunpaman, masasabi kong hindi pa rin nila nakakalimutan o pinababayaan ang kanilang pag-aaral. Sa aming pag-oobserba, mayroon kaming nakasabay na dalawang estudyanteng nag-iinuman din. Nagulat ako at dala pa ng isa ang kanyang laptop. Nang aking suriing mabuti, napagalaman kong gumagawa pala ang dalawa ng report para sa kanilang klase. Naisip ko, tunay ngang iskolar sila ng bayan.


Masasabi kong ang Laguna ay isang napakasimpleng bayang pinaninirahan ng mga simpleng tao rin. Simple lang din ang kanilang mga pangarap sa buhay - ang umunlad. Ngunit sa kanilang kagustuhang umunlad, sana ay huwag pa rin nilang makalimutan ang kanilang simpleng bayang tunay at subok nang naglilingkod sa kanila.

Monday, April 1, 2013

My Forms of Resistance (Activity/Journal #4)

Source: http://www.jadaliyya.com/content_images/3/Toexistcopy.jpg

Whenever I am faced with things that do not really favor ourselves, we normally tend to resist. Resistance could be demonstrated in countless forms, from simply uttering words to directly acting upon the action. I believe that to resist is totally a normal thing to do; if you exist, you are expected to resist.

I am a person who seems to be really fond of resisting; weird, but I feel a bit of self-fulfillment with it. I resist whenever I need to; I resist whenever I do not and just for the sake of. Sometimes, it helps and sometimes, it does not. Resistance can be considered to be positive or negative depending on how it is to be used and applied. Resistance is usually good since you give yourself a chance to express and not just agree on the things that are fed to you by the society in general.


Source: http://mondoweiss.net/images/2012/07/Art-of-resistance-1.png

I usually resist verbally. Whenever I feel that something is not right or is not going too well, I say it right away and express what I feel. However, I find it hard to do it sometimes because I become afraid of what other people will feel after my resistance. We cannot really help it but some people tend to misunderstand us and look at us the other way around.

At times, I tend not to do some things as a form of resistance. For instance, when my parents told me to stay away from certain people because they believed that they are just going to cause me harm, I did the opposite. I made it a point to be with those people every time I had the opportunity, instead. It has really affected them; nevertheless, I guess it somehow worked since my parents have come to understand my reasons and just tried to understand me the best way they could.

A Deeper Look into My Power Relations (Activity/Journal #3)

Objectification

Source: http://www.kon.org/urc/v5/greening/greening_clip_image004.jpg

Have I ever objectified someone? Who? How?

          Yes, at times, to some extent, by letting my mother and sister do things out of the ordinary and forgetting that they are humans, too.

Have I ever been objectified? By whom? How?

         Yes, sometimes, by pushing me to do the extent of doing something that I do not normally do as if my parents and/or friends literally own me.


Exploitation

Source: http://img.izismile.com/img/img4/20110808/640/distasteful_foreign_ads_with_unintended_child_exploitation_640_02.jpg

Have I ever exploited someone? Who? How?

          Yes, at times, whenever I call on some friends just whenever I need their help.

Have I ever been exploited? By whom? How?

          Yes, by some friends as well who clearly show that they need me for a certain time only because they will be needing my help.


Subordination

Source: http://thumbs.dreamstime.com/thumblarge_448/1256829620iTjnAO.jpg

Have I ever subordinated someone? Who? How?

             Yes, I cannot really help sometimes to let some of my friends feel that they are under me especially at time when I am given the chance to lead our group.

Have I ever been subordinated? By whom? How?

        Yes, by some of my classmates letting me do groups tasks again and again until it reaches a point that they are already satisfied with my work.


Oppression

Source: http://studentsforliberty.org/wp-content/uploads/2012/10/oppression-fists.jpeg

Have I ever oppressed someone? Who? How?

          No.

Have I ever been oppressed? By whom? How?

          No.

At this point of my life, I have yet to experience oppression since I am very much loved and understood by the people around me letting me give the opportunity to say what I want to say and do what I feel like doing.